Ang mga netizen na nagdeklarang iboboto ang Team Pilipinas o Otso Diretso + 2, kani-kaniya nang pagpapahayag ng suporta bago ang halalan bukas.
Binubuo ang Team Pilipinas o Otso Diretso + 2, na dati ring tinawag na Senador NaTen, ng mga sumusunod:
- #5 Alejano, Gary
- #9 Aquino, Bam
- #22 Colmenares, Neri
- #23 De Guzman, Ka Leody
- #25 Diokno, Chel
- #36 Gutoc, Samira
- #37 Hilbay, Pilo
- #41 Macalintal, Romy
- #57 Roxas, Mar
- #59 Tañada, Erin
Ang woke YouTuber na si Janina Vela, ipinalinawag sa isang video kung bakit Otso Diretso + 2 ang iboboto niya.
Si Angel Romero, partner and director for creative and marketing ng Kapuwa Bistro + Urban Pub, ikinumpara naman ang Team Pilipinas sa mga inumin. (Pero paalala lang — ‘wag kalimutang may liquor ban!)
Si Julia Cu Unjieng, ibinahagi naman sa Facebook ang kaniyang research tungkol sa sampung aniya’y mabubuti at mga tapat na tao. Gumawa pa siya ng mga artwork na puwedeng gamitin ng iba pang supporters.
Lumikha rin si Marx Reinhart Fidel ng makulay na artwork na may caricature ng mga kandidato ng Team Pilipinas. Sinamahan pa niya ito ng panawagan para sa mga kapwa Pilipino:
Minsan lang tayo magkakaroon ng pagkakataong gawin ang tama para bansa. Bumoto tayo at bumoto ng tama. Isipin nyo yung mga anak nyo at magiging anak nyo pa. Gusto nyo ba silang mabuhay sa bansang puno ng magnanakaw?
— delubyo #25 CHEL DIOKNO (@marxnotahero) May 8, 2019
IPAGLALABAN KA, AT IPAGLALABAN ANG PILIPINAS.
# TEAMPILIPINAS pic.twitter.com/TSra6akRov
Ipinost din ng artist na si Jap Mikel ang ginawa nilang slate poster na may advocacy ng bawat kandidato ng Team Pilipinas.
Samantala, nag-viral sa Twitter ang isang nakakatawang video ni Vince Joseph Vibar ng aniya’y kapatid niya — ang bata, kunwari’y nagising at napakanta ng Otso Diretso jingle.
May gusto sabihin ang kapatid ko sa lahat ng Pilipino pic.twitter.com/2dTLZuVW7a
— Vince Joseph Vibar (@vincevibarr) May 11, 2019
Para bang pandagdag sa video na ‘yan, ipinost naman ng Twitter user na si A.J. ang isa ring video ng batang kumakanta ng Otso Diretso jingle, pero kasama na sina Ka Leody at Atty. Neri.
This kid made me smile tonight. He had an LSS with the jingle so I asked him if I can take a video. Also asked him to add Colmenares and De Guzman. 🙂 🙂 🙂 #ParaSaBayan #TeamPilipinas pic.twitter.com/BKq2fbd71v
— A.J. (@AlbertoJunjun) May 12, 2019
Ang beteranang blogger na si Noemi Dado o Momblogger, isinulat ang “I’m voting for the opposition, here’s why.”
Ang kasabayan naming blogger din na si Jane Uymatiao naman, isinulat ang “Boboto ako para panatilihing huling balwarte ng checks and balances ang Senado.”
At marahil ay nabasa n’yo na rin ang aking “Sa Team Pilipinas tayo.”
Sa Twitter at Facebook, nagpopost din ang mga sumusuporta sa Otso Diretso + 2 gamit ang hashtag na #TeamPilipinas.
Ang di nagawa ng mas malawak na grupo ng mga grupo sa oposisyon — ang magkaisa para makalikha ng isang slate ng bayan laban sa rehimeng Duterte — ang mga netizen ang gumawa.
Kinuha ng supporter ng Team Pilipinas ang buong Otso Diretso ng Liberal at mga kaalyado nito, at idinagdag sina Atty. Neri at Ka Leody, na parehong bahagi ng magkahiwalay ring slates ng Makabayan at Labor Win. Ang dalawang bakanteng slot, ipinauubaya na ng mga taga-Team Pilipinas sa bawat isa.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



[…] akong natuwa nang makita kong binuo ng mga mamamayan mismo ang di nagawa ng malalaking partido. Pinalawak nila ang Team Pilipinas nang idagdag nila sa slate ng Otso Diretso sina Atty. Neri Colmenares at Ka Leody de Guzman. […]