Nasa biyahe na ako pauwi sa Marinduque. Okay na sana dahil walang mahabang pila o agawan sa upuan sa JAM/Tritran bus papuntang Dalahican, Lucena. Pero ang masakit, kahit presyong aircon ang binayaran, tumatagaktak pa rin ang pawis ko! Nataon ding ang nakuha kong upuan ay itong nasa pinakadulo na maya’t maya ay dumadausdos pa. Lagi tuloy kaming tumatayo ng mga katabi ko. Nakakainis isiping hindi sulit ang serbisyong kapalit ng perang ibinayad ko!
Sa pangasiwaan ng JAM/Tritran, di lang pala kayo sa mga manggagawa switik! Pati mga pasahero ninyo, hindi ninyo mabigyan ng serbisyong totoo. Aba’y pag-igihin ninyo ang inyong serbisyo. Dahil kung hindi, siguradong hindi kayo tatantanan ng Reklamador ng Bayan!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
February 12, 2024
Conquering enemy forts: strategies to destroy opponent’s turrets
Win by upgrading hero’s skills with an ML recharge.
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…



Naku nakakainis nga yang mga bus na yan. Alala ko tuloy yung mga minibus noon na bumabyahe ng Malinta, grabe bilis magpatakbo pero puro sira naman ang upuan… lubog na kutson, nakalitaw pa ang kahoy. Sakit ha, pag biglang prumeno ang drayber at mapapadausdos ka.
kala ko ako lang ang na bad trip sa pag uwi sa probinsya. alam mo bang na delay ang bus namin ng almost 6 hours bago naka alis? kesyo sira ang aircon, etc… e di sana pinalitan agad ng bagong bus! grabe. dapat 8pm naka alis na kami, pero ala una na ng madaling araw kami nabigyan ng bagong bus!!!! grrr. for the record. philtranco ito. shet.
sa mga taga jam/tritran- HOY GISING!!!! (hehe, meron pa ba nun?)