Wordle. Ilang araw ko nang nakikita sa social media ang mga post tungkol dito. Dahil ayaw ma-FOMO o fear o missing out, sinubukan ko ito. Nakakaaliw at nakaka-challenge pala.
Kanina, may friend ako na nagtanong kung paano laruin ang Wordle. Share ko na rin dito.
So here’s how to play Wordle:
Pumunta sa Wordle webpage sa Powerlanguage.co.uk.
Hulaan ang word of the day. May hanggang six attempts ka.
Sa first attempt, think of any five-letter word. I-type ito sa boxes sa page. Kung maging green ang background, may ganoong letter ang word at nasa tamang puwesto ito. If yellow, may ganoong letter sa word pero nasa maling position. Kung gray naman, walang ganoong letter sa word.
Just keep on guessing until mahulaan mo ang word of the day, o kaya naman ay maubusan ka ng chances. 🙂
After the game, puwede mong i-flex sa social media ang result.
Sikat na sikat na na ang word game na ito. May article ang New York Times tungkol sa Wordle at kay Josh Wardle, ang creator nito.
Naalala ko tuloy ‘yong game na 2048. Medyo naadik din ako noon sa larong ‘yon. Ang objective naman, mag-combine nang mag-combine ng numbers until makakuha ka ng 2048. Kaya lang, dapat ay marating mo ito bago maubos ang space. Check n’yo rin to.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?


