Dahil sa sobrang daming spam at makulit na comments, binago ko ang settings ng ederic@cyberspace para ang makakapag-comment lang ay iyong mga naka-login na registered users. Kaya kapag gusto mag-comment at di mo makita ang comment form, kailangan mong mag-register.
Pero paano kung bad trip ka na sa sobrang daming passwords na kailangang i-memorize at ayaw mo nang idagdag pa ang isang set para sa blog ko? O kung tinatamad ka lang mag-register?
Walang problema. Dahil sa External Identities plugin ni Dan Coulter na ini-install ko, puwede mo nang gamitin ang OpenID at Flickr account mo para makapag-login. Kung mayroon kang account sa WordPress.com, LiveJournal, o Technorati, mayroon ka nang OpenID account. Puwede ka ring kumuha ng bagong account. (Click here for details.)
Subukan ninyo, at pakipaalam sa akin kung hindi kayo nahirapang gamitin ito. 🙂
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?



Ayos, naka-create na ako ng account. Pwede na akong mag-comment.
Medyo mahirap mag-login gamit ang wordpress.com open ID, may error na lumalabas, sabi mag-login daw ako sa wordpress.com eh nakalogin naman ako?! Hehe. Flickr na lang tuloy ginamit ko. =P
ang tagal ng proseso, pero ayus na rin. hehehe