Makalipas ang mahabang panahon, nagkausap kami sa telepono noong isang gabi ng “little brother” kong si Alvin. Noong mga bata pa kami, dahil mga henyo (kapal ba?), lagi kaming magkasama sa Math Olympiad at iba pang school competitions. Siya ang pambato ng Ipil Elementary School at ako naman sa Ipil High School, at siyempre lagi kaming nagcha-champion! Tuwing magpapakilala sa mga girls, lagi naming sinasabi na magkapatid kami. Pero ang totoo, magkaibigan at magkasama lamang sa simbahan ang aming mga nanay na parehong katekista. Lusot na sana dahil pareho kaming dark, intelligent, and cute, hanggang sa may magtanong na isang makulit na batang babae: “Eh kung magkapatid kayo, bakit magkaiba kayo ng apelyido?” Oo nga naman. Bistado tuloy ang mga guwapo!
Anyway, nagkausap nga kami bigla noong isang gabi matapos kong malaman ang landline number niya. Siyempre excited kami pareho. Tagal na kaya naming hindi nagkakulitan. Bigla ko siyang tinanong: “Ilang taon ka na nga ba?” “Veinte na ako, Kuya!” “Ha?!” nagulat naman ako. Nung huling makita ko yung batang yun, nagbibinata pa lang. Tapos ngayon ko lang na-realize na tatlong taon lang pala ang tanda ko sa kanya. Strange lang. Tumatanda na ako, tumatanda na kami. Yung little brother ko dati, ga-graduate na rin pala ng college at niyayabangan na ako tungkol sa girlfriend niya, at kinakantiyawan ako tungkol sa “The Love I Lost But Was Never Really Mine” — hanapin daw namin, heheh. Ambilis ng panahon, sobra!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
January 23, 2026
PENSHOPPE PLAY brings fun to activewear
SEA Games athletes Kira Ellis and Elijah Cole are the faces of PENSHOPPE PLAY.
January 15, 2026
DICT: Converge is PH’s nat’l broadband leader
The agency says it delivers the fastest average speeds, lowest latency, and…
December 30, 2025
Coca-Cola brings ‘Sound of Home’ to OFWs in Australia
Australia's airwaves turn into an audio love letter from families in PH.


