Sa amin sa Santa Cruz, Marinduque, mook ang tawag sa taong kung gumising ay tanghali na. Lagi akong sinisigawan noon ni Nanay ng “Napakamook mo! Bangon na at mataas na ang araw!” Ayun, lagi tuloy akong nasasabihan ng mook at tamad. Pero dito sa Maynila, pwede ako gumising nang anumang oras na naisin ko kapag wala akong pasok. Sadya yata kasing may mga taong panggabi. May mga kaibigan nga akong nagsasabi na mas masarap daaw magtrabaho kapag gabi. Totoo naman. Anyway, saan man tumakbo ang kuwento kong ito, ang point lang ay mook talaga ako. Teka, mook ba o muok? Ewan ko!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center