Kahapon, namili kami ni Mhay sa Trinoma ng ilang pangregalo. Kanina naman, sa Gateway kami. Narito ang ilang random thoughts ko habang nagmo-malling at comments tungkol sa ilang produkto at brands. Dapat ay imo-moblog ko, kaso baka matalisod ako habang nagta-type sa Treo ko, kaya tinandaan ko na lang.

  • Concerned ang pamunuan ng Landmark o Trinoma sa customers nila. Ihinahatid ang mga mamimili hanggang sa sakayan ng taxi at istriktong binabantayan ng mga gwardya ang pila sa taxi para masigurong maayos na makakasakay ang customers.
  • Marami talagang mapagpipillian sa Landmark.
  • Mahina ang aircon sa Bench stores, lalo na sa Gateway branch. Ilang minuto pa lang kaming tumitingin ng mga damit, pinagpapawisan na ako at kailangang tumapat sa electric fan.
  • Pero asteeg yung eco-friendly bag nila in gold and silver. P35 lang. Napuna at nagustuhan nga ng mga taga-Dickies.
  • Si Rayver Cruz ang modelo sa pocket calendar na ibinigay sa amin. Meron na rin ako ng kay Iya Villania.
  • Mas mahal ang mga damit sa Penshoppe kaysa sa Bench.
  • Base sa mga kakaiba at Pinoy na disenyo nito, masasabing ipinagmamalaki ng Bayo na ito’y produktong Pilipino.
  • May planner na rin ang Jollibee. Mas intresado ako rito kasa sa Starbucks planner.
  • Kadalasa’y palpak ang delivery ng Jollibee. Mas maayos yung sa McDo.
  • Mas gugustuhin kong mag-kape sa Figaro kaysa sa Starbucks. Tatak-Pinoy ang Figaro at tumutulong sa muling pagpapaunlad ng kapeng barako.
  • Mas nakakairita ang pagtambay sa Starbucks dahil mas marami ritong cono kaysa sa Figaro.
  • Mas masarap ang Kopi Bun ng Kopi Roti kaysa sa Coffee Bun ng French Baker. Parang kadiri yung malambot sa loob ng sa French Baker.
  • Masarap ang Spicy Chicken sa Kimchi. Tamang-tama ang anghang–yun bang konti na lang ay halos di mo na malalasahan, tapos may tamang lahok ng tamis.
  • Nakakaaliw ang maniking naigagalaw ang mga daliring kahoy. Masayang paglaruan.
  • Pangit ang location ng National Bookstore sa Farmer’s. Mahirap hanapin.
  • Gusto ko ng mug ng Mr. Donut. Kaso lang, kailangan ko pang bumili ng isang dosenang donut.
  • Mas masarap ang glazed donut ng Krispy Kreme kaysa sa iba.

Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center