Lalaki nga ba si Megan Fox?
Lately, maraming nagtatanong sa mga forums sa Internet kung totoo ba ang chismis na lalaki raw talaga ang Hollywood actress na si Megan Fox.
Ang Weekly World News, na sa aking pagbabasa-basa ay nalaman kong isang website na naglalaman ng mga balitang inimbento pero talagang nakakaaliw, ang pinagmulan ng usaping ito.
Noong January 14, naglabas sila ng report na ang pamagat ay “Megan Fox is a Man!” Ito ang naging mitsa ng pagkalat ng kalituhan.
Sa WWN din mababasa ang mga balitang nagsasabing buhay pa si Elvis Presley at may half-brother si US President Obama na isang lalaking kalahating paniki. Dati ay may tabloid na WWN sa US — basahin ang Time article tungkol dito — pero nagsara ito at ngayo’y website na lang ang natira.
Pinalala pa ang balitang ito tungkol kay Megan Fox ng mga nauna at aktwal na statement niya sa isang interview:
“I am pretty sure I am a doppelganger for Alan Alda. I’m a transvestite. I’m a man. I’m so painfully insecure. I’m on the verge of vomiting now. I am so horrified that I am here, and embarrassed. I’m scared.”
Pero matanong ko rin kayo, lalaki nga kaya si Megan Fox?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 10, 2025
MICHELIN Guide debuts in PH
MICHELIN Guide 2026 reveals 1 Two Stars, 8 One Star, and 25 Bib Gourmands.



[…] Mahigit sampung taon na ang nakararaan, kumalat naman ang fake news na lalaki si Megan Fox. […]