Pagkatapos naming maghapunan sa isang bagong kainan na naghahain ng kebab, dumiretso kami sa Kopi Roti sa Tomas Morato. Ito ang in-order namin:

Ganito na ito agad makalipas ang ilang minuto:

Inaasar kasi ako kanina sa opisina. Para raw akong naglilihi–naglilihi sa Kopi Bun. Ang Twitter friends ko, kinulit ko, pati na rin si Mhay. Sabi tuloy niya, sige, bili raw kami “mamaya.” At yun nga, kanina, na-satisfy ang craving ko.

Napakasarap naman kasi ng Kopi Bun. Sabi nga namin, nakaka-heaven! 🙂

Wish ko lang, maging sponsor sila minsan ng Bloggers’ Kapihan! Siguradong maraming dadalo.Eto pa ang mga mas malalamang Kopi Roti posts:

May Kopi bun/roti rin sa Michelle’s sa SM Clark. Kaya lang, nagsusuplada ang mga nagtitinda. Mayroon din daw sa Delifrance–masubukan nga.

Note: Hindi po ito paid ad.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center