Di ko maiwasang mapasigaw ng “Putang ina” kahapon habang at pagkatapos magsalita ng puting diyos sa harap ng Kongreso.
Sa pagkamangha sa mga nangyayari ay nalimutan nilang lahat–ng karamihan sa mga kinatawan at senador, dahil sa pagbisita ng kanilang diyos; at ni Bush, dahil sa pagdakilang tinatamo mula sa kanyang mga tagasunod–na ilang dekada na ang nakalilipas ay muli nating “nabawi” ang ating kalayaan (o kahit papaano, ganito ang nasulat sa mga aklat ng kasaysayan).
Hindi ako experto sa political science, pero sa tingin ko’y may problema tayo kapag ang pangulo ng ibang bansa (lalo pa ng dating nanakop sa atin) ay magsasalita sa harap ng Kongreso ng ating bansa tulad ng ginagawa ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address.
At paano ipaliliwanag ang pag-upo ni Bush sa gitna nina De Venecia at Drilon sa pinakamataas na puwesto sa entablado ng Batasan?
Ewan ko kung ano sa palagay ninyo. Pero sa tingin ko, hindi ito tama.
Kung mayroon mang tama sa Kongreso kahapon, iyon ay ang pagwo-walk out ng mga party-list representatives na sina Satur Ocampo, Liza Maza, at Crispin Beltran ng Bayan Muna, Etta Rosales at Mario Agua ng Akbayan, JV Bautista ng Sanlakas, at Renato Magtubo ng Partido ng Manggagawa.
Kaisa nila ang libu-libong mamayang bumuhos sa mga lansangan upang kondenahin ang malaswang paghahanda ng pamahalaan para sa isang bisitang paladigma at pangunahing pinuno ng imperyalismo.
Kagabi, nakita ko ang paglipad ng dambuhalang eroplanong sinakyan ng ating “bisita.” Umuwi siyang taglay ang ibayong pagsamba ni Gloria at ng kanyang mga alipores sa Kongreso, gayundin ang poot ng mga mamayang Pilipino sa kanyang marahas na pamumulis sa mundo at sa pagpapakatuta sa kanya ng kanilang munting pangulo.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



yay putang ina!
(at tinoyo si jaime..)
lamo galing magtago ng dumi ang Pinas…pati trak napakinabangan… ‘dual purpose’ ika nga ng mga pulis!
puta talaga si gloria! nagpalaspag na naman sa among manyak!