Kahit nagtatrabaho ako ngayon sa isang estasyon ng telebisyon, at kung tutuusin ay sanay nang makaranas at makarinig ng mga trahedya, minsa’y iniiwasan ko pa ring mapanood ang mga balita tungkol sa mga nagdadalamhating kaanak ng mga nasawi at nawawala sa paglubog ng M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines.

Pamilyar sa akin ang pagkapagal, ang kawalan ng katiyakan at kawalan ng pag-asa, at ang sa huli’y napakasakit na pagharap sa katotohanan ng kanilang paglisan. Ang bawat palahaw ay tila sarili kong sigaw ng pighati; ang bawat hikbi ay sarili kong hagulgol.

Sa bawat trahedyang ganito, muli at muling ibababalik ng pagbabalita namin alaala ng sarili kong pagluluksa nang kunin ng dagat ang buhay ng aking ina habang lulan ng M/V Viva Antipolo VII mahigit 13 taon na ang nakakaraan.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center