Sa UP College of MassComm nabuo ang ideya ng isang online magazine pagkatapos kong hawakan ang Tinig ng Plaridel noong late ’90s. Pero 2001 na, pagkatapos ng People Power 2, nang simulan namin ng kaibigan kong si Noel ang mismong e-zine, sa tulong nina Suyin at GJ.
Matapos ang pre-launch issue na inilabas noong Pebrero 2001, may mga tumugon sa aming panawagan para sa mga sanaysay, tula, at kuwento. Kaya naman noong Abril 2, 2001, lumabas ang unang regular issue ng Tinig.com, ang online magazine para sa mga kabataang Pilipino, lalo na sa mga beterano ng EDSA 2.

Gaya ng isinulat ko sa Mula sa Patnugot ng ika-50 at huling isyu, sa loob ng anim na taong pagsisikap na maging Tinig ng kabataan, “samu’t saring usapin ang ating isinalaysay, ibinalita, ikinuwento, tinula, isinalarawan, at minsan-minsa’y isinadula” ng Tinig.com. Sa tulong ng mga kapatnugot ko ngayong sina Alex at Vlad, nanatili ang Tinig.com at nakilala ito bilang cybertambayan ng mga kabataang manunulat, makata, at aktibista.
Ngayong pumapasok na ang Tinig sa ikapitong taon, nagpasya kaming makisayaw sa indak ng panahon. Simula sa linggong ito, mabilisan nang maa-update ang e-zine na dati’y buwanan o higit pa bago mapalitan ang laman. Mas mabilis nang mapa-publish ang mga kontribusyon ng mga mambabasa, at mas maraming usapin ang matatalakay.
Sana patuloy na basahin — at pakinggan — ang Tinig.com.
Siyanga pala, ‘yang larawan sa itaas — ganyan tayo ngayon.
Ganito naman tayo noon:

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?



congratulations po 🙂
congrats!!! ang galing naman ng tinig (kahit di na ako nakakatulong. hehe). 😉
another congrats, ederic!
hala ederic. hindi ako magaling magsulat. oo nga’t galing ako ng UP CMC, pero sa research ako galing. tumatanggap ba kayo diyan ng mga case study at ng mga focus group discussion? hehe. dyoks lang po.
hayaan mo, kapag kakayanin ko gumawa, contact kita para sa contrib ko.
atomicgirl at benj: salamat sa inyo. ambilis nga ng panahon. contrib kayo, ha?
abah tuloy na tuloy na pala ang pagbabago ha 🙂
congrats sa ikapitong anibersaryo 🙂
Mabuhay Tinig !
Tirador
Tindi naman! 6 years! Congrats, Ederic. 🙂
astig naman. congrats at nawa’y tuluy-tuloy ang paglalayag natin sa cyberspace!