Masaya ako na mabubuwag na ang parusang kamatayan. Mailalagay na sa tama ang siyang tunay na layunin ng pagkakaroon ng mga bilangguan: ang pagpaparusa’t pagpapanibago sa mga nagkasala kasabay ng pagsulong ng buhay ng mga biktimang nagkamit ng katarungan.
Pero mas masaya si Pangulong Arroyo. Biro mo, maipagyayabang niya sa Vatican sa susunod na mga araw na nagawa niyang buwagin ang bitay sa Pilipinas. Maiboboladas niyang pro-life siyang talaga. At sigurado akong sasabihin niya sa kanyang pagbabalik na di lang siya inilagay ng Diyos sa kinalalagyan niya ngayon, binasbasan din siya ng bagong Santo Papa.
Wish ko lang, gayong naipapahinto niya ang bitay, maipahinto rin niya ang malawakang pagpatay sa mga peryodista at aktibista.
Kung hindi, lalo tayong bubulusok sa kabalintunaan ng pagbabago ng batas upang matanggal ang parusang kamatayan ngunit pagpapanatili sa pagparusa ng kamatayan sa mga naghahangad ng pagbabago sa ilalim ng batas.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
February 12, 2024
Conquering enemy forts: strategies to destroy opponent’s turrets
Win by upgrading hero’s skills with an ML recharge.
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…


