Sumakabilang-buhay kagabi si Susan Roces, ang tinaguriang Reyna ng Pelikulang Pilipino, sa edad na 80.
Pitong dekada siyang naging artista at gumanap siya sa mahigit 130 pelikula. “Mano Po” ang isa sa mga malalaking proyekto niya na pinakanaaalala ng kasalukuyang henerasyon. Huli siyang napanood sa “Ang Probinsyano.”
Inianunsiyo ni Senador Grace Poe ang pagpanaw ni Susan Roces.
With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. pic.twitter.com/BVy5K9axJx
— GRACE POE (@SenGracePOE) May 20, 2022
Asawa ni Susan Roces si Fernando Poe Jr., ang yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino. Anak nila si Senador Grace Poe.
Bukod sa malaking kontribusyon ni Susan Roces sa pelikulang Pilipino, pinakanaaalala ko siya sa kaniyang pagtindig noon laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kasagsagan ng “Hello Garci” scandal.
Nag-“I am sorry” noon sa sambayanang Pilipino si Arroyo matapos lumabas ang recording ng pakikipag-usap niya sa noo’y Commission on Elections commissioner na si Virgilio Garcillano. Tanong ni Arroyo kay Garcillano: “Will I still lead by 1M?” Nakalaban ni Arroyo sa 2004 presidential elections ang asawa ni Susan Roces.
Sabi ni Susan Roces noon tungkol kay Pangulong Arroyo: “Kasalukuyan pang nagbibilangan noon. Alam niya ‘yun. Alam niyang bawal ‘yun. Alam ng lahat ng mga kandidato, bawal ‘yun, pero ginawa niya. Nilabag niya ang batas! At ‘yun ay inilihim niya. At kung hindi pa lumabas ang tape, kailanman ay hindi natin malalaman.”
“Mrs. Arroyo, habang pinagmamasdan kita sa iyong paghingi ng paumanhin sa amin, sa taong bayan, kitang-kita ko sa ‘yong mga mata, hindi nanggagaling sa ‘yong puso ang iyong paghihingi ng sorry. Kitang-kita ko sa ‘yong mga mata na ibig mo na naman kaming isahan!” ani ni Roces noon.
Dagdag pa niya: “The gravest thing that you have done is you have stolen the presidency, not once but twice!” Naluklok sa pagkapangulo si Arroyo matapos ang EDSA 2 na nagpatalsik kay Pangulong Joseph Estrada, na matalik na kaibigan ni FPJ.
Ang lideratong naipasa kay Arroyo, napuno ng kontrobersiya at mga kasinungalingan. Ang reyna ng pinilakang-tabing, minsan ding naging bahagi ng mga lumaban kay Arroyo.
Maraming salamat po sa inyong pagtindig noon, Ms Susan Roces!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 10, 2025
MICHELIN Guide debuts in PH
MICHELIN Guide 2026 reveals 1 Two Stars, 8 One Star, and 25 Bib Gourmands.


