A dead institution . . . that has not produced anything” daw ang Senado, sabi ni Kit Tatad, dating senador at ngayo’y chair ng advisory council ng Pwersa ng Masa. Funny naman that one, hehehe.

Kung patay ito, “Sino ang pumatay sa Senado?” ang tanong ng Inquirer. Sino nga ba?

Nakakatawang pakinggan ang mga ganyang pananalita mula sa isang dating senador na minsa’y naging dahilan ng lubusang pagbagsak ng kredibilidad ng–at kawalan ng tiwala ng taumbayan sa–institusyong kinabibilangan niya. Sinong makakalimot sa papel si Tatad sa “no vote” ng Senado sa impeachment trial ni Erap noong Enero 16, 2001 na nagpaputok ng People Power 2?

Ang bayang itong pugad ng luha’t dalita, pinagpupugaran din talaga ng makakapal ang mukha!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center