Katatapos ko lang magsulat ng isang mahaba-habang angas tungkol sa pagkakaroon ko ng trabaho at di pag-uwi sa Marinduque ngayong Semana Santa. Pinindot ko ang publish, at ang sumunod na pahina ay isang white blank, screen.

Aray. Wish ko lang, may autosave (awtomatikong pagsusubi) feature ang WordPress, gaya ng Gmail!

Update: Akala ko wala. Dapat pala’y naghanap muna ako bago mag-reklamo. Hehe. Gusto ninyong subukan? Tingnan ang “Twilight: Auto Save plugin”.

Ayon sa may-akda, “This is a plugin for the admin site of things. It uses cookies and JavaScript to save the data you are typing and allow you to restore it (or delete it) later.”

Kapag nawala o umalis ka sa write a post page ng WordPress, sadya man o hindi, nang hindi naisubi ang post, may lalabas na ganito sa susunod na punta mo sa write page:

You seem to have left here without saving your post. If so, you may click here to restore it or delete it.

Asteeg, di ba?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center