Noong panahon ng diktaduryang Marcos, binihag ng mapaniil na rehimen ang kalayaan sa pamamahayag. Ngunit may ilang matatapang na peryodistang nangahas at hinamon ang ganoong kalagayan.
Isa sa mga nanguna sa pagsalunga si Jose “Joe” Burgos, Jr. Sa kasagsagan ng Batas Militar, itinayo niya ang We Forum at Malaya at inilathala ang mga istoryang hindi pinapansin ng midyang kontrolado ng pamahalaan. Iwinagayway ni Burgos ang bandila ng alternative press. Inilabas niya ang mga kalabisan ng diktadurya, kaya inaresto at ikinulong siya upang patahimikin ang kanyang mga pahayagan. Sa kanyang paglabas, muli niyang binuhay ang Malaya at sinundan ang istorya ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino. Mahalaga ang naging papel ng kanyang pluma sa pagtapos sa kabuktutan ng rehimeng Marcos.
Kinikilala ang kanyang pagsusulong sa kalayaan sa pamamahayag hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ayon nga sa International Press Institute, binigyang tinig ni Burgos ang People Power Movement. Pumanaw siya noong Disyembre 2003.
Pagkatapos ng maraming mga taon, kung kailang nagapi na ang diktaduryang Marcos, isa sa mga kanyang mga anak ang bibihagin din ng isang gobyernong tila sumusunod sa yapak ng rehimeng nilabanan ni Joe Burgos. Katanghalian ng Abril 28 ng taong ito, kumakain si Jonas Burgos, 36, sa Ever Gotesco Mall sa Quezon City nang lapitan at sapilitan siyang isama sa isang van ng mga di-kilalang kalalakihan. Ayon sa kanyang inang si Edith, hindi na siya umuwi sa kanilang bahay mula nang gabing iyon.
Naniniwala ang pamilya Burgos na ang militar ang may kagagawan sa pagkawala ni Jonas. Na-trace sa headquarters ng 56th Infantry Battalion sa Norzagaray, Bulacan ang plate number (TAB 194) ng van na na ginamit sa pagdukot kay Jonas. Pag-aari ito ni G. Mauro Mudlong, na noong Hunyo 2006 ay hinuli ng militar dahil sa paglabag sa PD 705 or “Transporting of Timber Without a Permit”. Dinala ang van kay Lt. Col. Noel S. Clement na noo’y commanding officer ng 56th IB.
“I accuse the Army of having forcibly abducted my son Jonas on April 28, 2007 at the Ever Gotesco Mall in Quezon City. I strongly suspect that either or both of its former commanding officers, Lt. Col. Clement and Lt. Col. Feliciano participated in the enforced disappearance of Jonas,” wika ni Edith sa isang pahayag.
Tulad ng kanyang ama, palaban din si Jonas. Kasapi siya ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan, isang local chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, ang samahan ng mga aktibistang magsasaka. Gaya ng kanyang ama, mahilig ding magsaka rin si Jonas. Nagtapos nga siya ng BS Agriculture sa Benguet State University, at ibinahagi niya sa mga kabaranggay ang kanyang nalalaman sa pagsasaka.
Marahil ay malasakit sa kapwa ang nag-udyok kay Jonas na maging aktibo sa pagtulong sa mga magsasaka at maging aktibista. Ayon sa kapatid niyang si JL sa isang panayam ng online magazine na Bulatlat.com: “Nung bata pa kami, nagpakita na si utol ng pagmamalasakit sa kapwa.†Minsa’y kinuha raw ni Jonas ang tsinelas ng kanyang ama upang ibigay ito sa isang matandang babaeng nagpapalimos sa labas ng kanilang bahay.
Ngayon, para kay Jonas naman ang pagmamalasakit ng kanyang kapwa. Maraming mga Pilipino–at pati mga dayuhan–ang nanawagang ilabas na si Jonas. Idinaragdag natin ang ating tinig sa panawagang ito.
Ang bansang itong pugad ng ating luha at dalita ay sadyang nilulukuban ng maraming mga kabalintunaan. Noon, lumaban si Joe Burgos alang-alang sa isang demokratiko at malayang bukas para sa bayang kinabibilangan ng kanyang mga anak. Ngayon, ang isa niyang anak ay pinagkakaitan ng kalayaan at bihag ng isang rehimeng nagkukunwaring tagapagtaguyod ng demokrasya.
[…] Isa sa mga nanguna sa pagsalunga si Jose “Joe†Burgos, Jr. Sa kasagsagan ng Batas Militar, itinayo niya ang We Forum at Malaya at inilathala ang mga istoryang hindi pinapansin ng midyang kontrolado ng pamahalaan. Iwinagayway ni Burgos ang bandila ng alternative press. Inilabas niya ang mga kalabisan ng diktadurya, kaya inaresto at ikinulong siya upang patahimikin ang kanyang mga pahayagan. Sa kanyang paglabas, muli niyang binuhay ang Malaya at sinundan ang ang istorya ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino. Mahalaga ang naging papel ng kanyang pluma sa pagtapos sa kabuktutan ng rehimeng Marcos. Read more » […]
[…] Isa sa mga nanguna sa pagsalunga si Jose “Joe†Burgos, Jr. Sa kasagsagan ng Batas Militar, itinayo niya ang We Forum at Malaya at inilathala ang mga istoryang hindi pinapansin ng midyang kontrolado ng pamahalaan. Iwinagayway ni Burgos ang bandila ng alternative press. Inilabas niya ang mga kalabisan ng diktadurya, kaya inaresto at ikinulong siya upang patahimikin ang kanyang mga pahayagan. Sa kanyang paglabas, muli niyang binuhay ang Malaya at sinundan ang ang istorya ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino. Mahalaga ang naging papel ng kanyang pluma sa pagtapos sa kabuktutan ng rehimeng Marcos. Read more » […]