Balot ng kalungkutan ang buong mundo ngayon dahil sa pagpanaw ni Pope John Paul II.
Ang Santo Papa, si Karol Józef Wojtyla ng Wadowice, Poland, ay naging pinuno ng Simbahang Katoliko sa loob ng 26 na taon. Tinawag siya ng Lumikha sa sa edad na 84.
Kilala at hinahangaan sa buong daigdig ang Santo Papa dahil sa kanyang pagsusulong ng kapayapaan at kalayaan at sa kanyang pagmamahal sa sangkatauhan. Isinusulong niya ang pagkakaunawaan sa pagitan ng iba’t ibang pananampalataya. Gusto rin niyang magkaisa ang mga Kristiyano. Nilibot niya ang buong mundo upang personal na dalhin ang magandang balita ng ating Panginoong Hesukristo.
Pero konserbatibo siya sa ilang mga usapin. Mahigpit niyang tinuligsa ang family planning at abortion, gay marriage, at iba pang bagay na salungat sa turo ng Simbahan. Sinasabing instrumental din siya sa pagbagsak ng komunismo sa Europa.
Sa gitna ng dalamhati dahil sa kanyang pagpanaw, dapat din magdulot ng kasiyahan ang katotohanang siya ngayo’y kapiling na ng Lumikha.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 10, 2025
MICHELIN Guide debuts in PH
MICHELIN Guide 2026 reveals 1 Two Stars, 8 One Star, and 25 Bib Gourmands.



Amen.
Welcome to Dinsworld. :-)! Balik ka!