Kakalipat lamang ni Coy–isa sa 11 influential Pinoy bloggers na kinilala ng Digital Filipino–mula sa Blogspot patungong www.thisiscoy.net. Bukod sa bagong domain, may sarili na rin siyang hosting. At ngayong bago ang kanyang site, inaanyayahan niya tayong sumali sa kanyang mini-blogging project: ang “uBlog, iVlog.”
Ayon sa kanya, layunin ng proyekto na maipakalat ang mahika ng lumalawak na “craft of vlogging” o video blogging sa Pilipinas, at upang mahikayat ang Pinoy bloggers na subukan ito. Ang mananalong blogger ay igagawa ni Coy ng promotional video para sa kanyang blog o website.
Bukod sa promotional videos, isa ring blogger ang mananalo ng 100MB webhosting na kaloob ng Tinig.com.
Madali lamang sumali. Kailangan lamang mag-post ng entry sa inyong blog tungkol sa vlogging sa Pilipinas. Siyempre, dapat i-link ang project page ni Coy.
Para sa kumpletong alituntunin, pumunta lamang sa www.thisiscoy.net.
Related posts sa Philipine blogosphere:
- 2007: Year of the new bloggers ni Janette Toral
- We blog, they vlog! ni Gibbs Cadiz
- Want a Promotional Video for your Blog? ni Karla Maquiling
- Vlog this ni JM Tuazon
- Pinoy Vlogging ni Jake de Asis
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?



@Coy: Walang anuman.
@Ambo: Sali kayo. Sabi nga nila, mas marami, mas masaya!
Yeah nabasa ko nga din sa blog ni Cok ito eh. Sali ako dito hehehe. This is a good idea actually. Madaming makikinabang. Bukod sa promotion ng blog nya, ganun din ang mga sasali. Keep up the good work Cok!
Maraming salamat, pareng Ederic! 😀
Ahehe. Inayos na po. Salamat. :p
Hala, 1MB lang ang ibibigay mong webhosting? Kawawa naman yun! Di kakasya wordpress dun! Hwekhwekhwekhwek =P