Sa ilang pagkakataon, naipakita na ng mga Pilipinong netizen, lalo na ng mga blogger, ang mabisang paggamit ng teknolohiya ng Internet upang maisulong ang ilang mga layunin:
– noong isagawa ng PLDT.com noong 2000 ang pinakaunang cyber-rally sa Pilipinas upang ipahayag ang pagkasuklam sa rehimeng Estrada;
– noong maitayo ang Blogger Power laban sa isang plagiarist na kung tawagin ay “Keiko”;
– noong makiisa ang mahigit dalawang daang kabataang Filipino netizen sa anti-war campaign ng Filipino Youth for Peace;
– noong maitayo at unti-unting lumawak ang Pinoyblog.com;
– nang maisagawa ang una at mga sumunod na iBlog summit;
– noong kumalat ang “Hello Garci” CDs at ring tones dahil sa PCIJ blog, TXTPower, at Indymedia;
– at kamakailan, nang matagumpay na maisagawa ang Pekeng Pangulo Googlebomb campaign.
Maaaring hindi tayong lahat ay nagkakaisa o sumasang-ayon sa layunin ng mga nasabing gawain at kampanya, tiyak na magkakasundo tayong ang mga iyan ay mahusay na pagsasalarawan ng kapangyarihan ng pagkakaisa sa Internet.
Sa cyberspace, may nakilala akong isang inang naniniwala sa kapangyarihang ito.
Si Sally Sultan, nanay ng dalawang taong gulang na batang si Muhammad Jamail “MJ” Sultan na may sakit sa atay, ay nananalig na may mga estrangherong makakaalam sa kalagayan ng kanyang anak at di-mag-aatubiling tumulong.
Kailangan ng batang sumailalim sa liver transplant na nagkakahalaga ng may tatlong milyong piso. Halos kalahati pa lamang ng halagang ito ang nalilikom ng kanyang mga magulang, kaya’t nagtayo ang kanyang mga magulang ng website upang manghingi ng donasyon para sa operasyon ni MJ. Ang website ay nasa http://jamailsultan.sanktuaryo.com.
Kanina’y kausap ko si Sally sa Yahoo Messenger. Gumawa kami ng Xoom payment buttons na ididikit nila sa website ni MJ para mapadali ang pagbibigay ng tulong sa bata.
Noong isang taon, nagsulat na ako sa ederic@cyberspace tungkol sa panawagan ng nanay ni MJ. Lumabas na rin sa INQ7, Viloria.com ) at
Piercing Pens ang kanilang kuwento.
Sa tingin ko, mas malaki ang maitutulong natin kung magsasama-sama ang mga Pilipinong bloggers na maiparating sa mundo ang panawagan ng mga magulang ni MJ. Umaasa si Sally, isang netizen, na di siya bibiguin ng mga kagaya nating palagiang tambay sa cyberspace.
Ano kaya ang puwede pa nating gawin para sa kanila?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?



Thanks for comment. Salamat sa rin sa pagbisita mo sa blog..
gerry