Trending sa Twitter Philippines ngayong umaga ang hashtag na #meganfoxisfilipino. Nauna na itong nagtrend sa United States.
Siguradong sine-search ngayon sa Google at Yahoo ng ilang Pilipino ang “megan fox is filipino,” “is megan fox filipino,” “megan fox ethnic background,” at iba pang related keywords.
May dugong Pilipino nga ba si Megan Fox?
Wala akong nakitang nasusulat na nagsasabing may lahing Pilipino ang American actress na si Megan Fox. Ang ethnic background niya, ayon sa mga website, ay English, iba pang European races, at native American.
Sa Encyclopaedia Britannica, tinukoy lang si Megan Fox bilang “American actress.”
Sa trivia section ng imdb.com page ni Megan, ganito naman ang nakalagay: “Her ancestry is mainly English, with small amounts of Scottish, German, and Scots-Irish (Northern Irish), and distant French and Welsh. Also, Megan’s six times great-grandmother, Mary Powhatan, was said to be of the Powhatan Native American tribe; if so, this would make Megan of 1/256 Native American ancestry.”
“I have some Cherokee background in me so I’m in for anything tribal or Native American,” sabi dati ni Megan Fox sa isang interview ng Harper’s Bazaar Arabia.
Kung ganoon, saan galing ang #meganfoxisfilipino? Nagsimula ang trend matapos itong ipost ni Gin Isabel Procop o @scorpilipino sa Twitter:
Ayon kay Gin, isang joke ang post niya tungkol sa hilig nating mga Pilipino na akuhin ang mga taong may dugong Pilipino kahit halos wala naman silang naimbag sa Filipino community.
“We were poking fun at Filipino’s tendencies to claim people with Filipino ancestry, especially those who are mixed with white, even if they have barely done anything for our community. We sort of wanted to see or confirm that many people only cared for representation when thinking of Fil-Am struggles, but not acknowledging the struggles Filipinos face overseas,” sagot ni Gin sa direct message ko sa kaniya sa Twitter.
Narito naman ang screenshot ng chat conversation ng grupo nina Gin bago nila mapatrend ang #meganfoxisfilipino hashtag:
May mga nag-reply ng #meganfoxisfilipino original tweet ni Gin. Kumalat ang hashtag hanggang sa magluwal ito ng mga nakaaaliw na fake stories at edited photos sa Twitter:
KASAMA MEGAN❤️✊🏽 #meganfoxisfilipino pic.twitter.com/8xsaxUjH6p
— #meganfoxisfilipino brwn!bby!grill!⁷🍥🪐nsfr (@barkadababy) May 22, 2020
Update: Megan Fox just founded Anakbayan Hollywood #meganfoxisfilipino
— RUBY IBARRA (@rubyibarra) May 22, 2020
When I went on vacation to LA in 2016 I saw Megan Fox walking down Hollywood Blvd. She told me “ravioli ravioli give me the formuoli” jumped in the air, transformed into a golden eagle & soared away singing Footloose by Kenny Loggins. #meganfoxisfilipino
— Bryan Sternik (@THEBryanSternik) May 22, 2020
Ang tweep na si @not_cheska, na sumali sa paggamit ng hashtag, nagpaliwanag naman:
Nagpasalamat naman ang tweep na si @ronnelallegedly sa pinagmulan ng #meganfoxisfilipino Twitter trend na si Gin o @scorpilipino.
Dahil sa #meganfoxisfilipino trend, ganito ang naging eksena sa Twitteria:
Sumikat si Megan Fox noong gumanap siya sa “Transformers” kasama si Shia LaBeouf. Kamakailan ay nasa balita si Megan dahil sa paghihiwalay nila ng asawa niyang si Brian Austin Green.
Mahigit sampung taon na ang nakararaan, kumalat naman ang fake news na lalaki si Megan Fox.
Noong una mong makita sa Twitter ang #meganfoxisfilipino, naniwala ka ba?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 10, 2025
MICHELIN Guide debuts in PH
MICHELIN Guide 2026 reveals 1 Two Stars, 8 One Star, and 25 Bib Gourmands.


