Inilunsad noong Lunes ang MAMAMO, ang kauna-unahang P-Pop girl group na binubuo ng mga minamahal na celebrity moms. Opisyal ding ipinakilala ang grupo bilang unang brand ambassadors ng Surf2Sawa, ang prepaid fiber internet plan na unlimited, mura, at walang kontrata mula sa Converge ICT Solutions Inc.
Si Melai Cantiveros-Francisco at ang apat na orihinal na miyembro ng SexBomb Girls na sina Rochelle Pangilinan-Solinap, Jopay Paguia-Zamora, Sunshine Garcia-Castro, at CheChe Tolentino ang bumubo sa MAMAMO.
Inilunsad ang MAMAMO para mas maipakita ang layunin ng Surf2Sawa na makakonek sa “ilaw ng tahanan” — ang tagapangalaga, tagapayo, at bukal ng saya ng bawat pamilya.
“Para sa ’kin, ang MAMAMO ay hindi lang basta grupo, isa itong platform para maiangat at maipagdiwang ang mga ilaw ng tahanan. Kasi dati, sanay tayo na puro bata lang sa pop groups, pero ngayon, may grupo na para sa mga nanay!” shared Rochelle Pangilinan-Solinap.
“Nakaka-proud kasi sa dami ng mommies ngayon na napapanood at nakikita, kami ang binigyan ng chance ng Surf2Sawa to represent them. Hindi sila mahihirapan to connect with the audience, kasi SexBomb and Melai has always been masa. And that’s what makes it so special. Nakakarelate tayo, and at the same time, we’re helping spread the word about Surf2Sawa na kahit saan ka pa sa Pilipinas, deserve mong magkaroon ng mabilis at abot-kayang internet na walang hassle.”

Ayon kay Mr. Dhing Pascual, vice president at business unit head ng Surf2Sawa: “Ang campaign na ito at ang paglulunsad ng MAMAMO ang diwa ng Surf2Sawa: masigasig, makatao, at laging konektado.”
“Napansin namin, hindi ba ang mga nanay ang madalas na gumagawa ng mahahalagang desisyon sa bahay? Sila ang ilaw ng tahanan at sila rin ang nakakaalam ng tunay na kailangan ng pamilya, lalo na sa mga praktikal solusyon sa pang araw-araw. Kaya naisip namin, bakit hindi sila ang mismong i-celebrate?” dagdag pa ni Pascual.
“Pinapaalala ng MAMAMO na ang pagiging ina ngayon ay tungkol na rin sa koneksyon, saya, at pagiging totoo sa sarili, hindi lang basta gawaing bahay. Sa Surf2Sawa, makakakuha ang mga nanay ng maaasahan at abot-kayang prepaid fiber internet, na walang stress ng kontrata o di-inaasahang bayarin,” dagdag pa niya.
Ang Surf2Sawa o S2S ay ang prepaid fiber internet plan na unlimited, mura, at walang kontrata. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa bawat tahanang Filipino, lalo na sa mga nanay, na mapanatiling konektado ang pamilya, makapagturo sa mga anak, at makapag-manage ng pang-araw-araw na gawain online. May bilis itong hanggang 50 Mbps (mula sa dating 25 Mbps) at pwedeng makakonek ang hanggang 6 na devices sa halagang ₱4 lang bawat araw kada user.
“Ang gusto ko sa Surf2Sawa, prepaid siya kaya hawak mo ang kontrol,” ani Sunshine Garcia-Castro. “Pwede kang pumili ng top-up depende sa budget mo, mula ₱50 para sa isang araw hanggang ₱700 para sa 30 days na unlimited internet! Tapos ’pag gusto ng mas mabilis na internet, meron ding Extraboost at nakakapag-surf ako hanggang 100 mbps”
“At ngayon, may Surf2Sawa 999 na rin,” dagdag ni CheChe Tolentino. “₱999 lang, may installation ka na at may 30 days ka pang unlimited internet. Swak na swak talaga para sa buong pamilya!”
Ibinahagi rin ng mga miyembro ng MAMAMO kung paano nila nakita ang sarili sa layunin ng campaign bilang mga modernong ina o ilaw ng tahanan.
“Sobrang proud na proud ako sa mukha ko kasi pinagkatiwalaan ’to ng Surf2Sawa,” pabirong pahayag ni Melai Cantiveros-Francisco.
Sinabi rin ng aktres na pribilehiyo na makatrabaho ang mga miyembro ng SexBomb Girls. “Sobrang kaba at hiya ’yong naramdaman ko kasi nilagay pa ’ko sa gitna, pero sobrang nagpapasalamat ako sa kanila kasi todo support sila sa ’kin. I pray that this partnership continues to be successful. At proud din ako to represent ’yong mga nanay na mahilig manood, maglaro, or mag-sayaw-sayaw lang online! Sa Surf2Sawa mura, mabilis, at walang kontratang Internet para sa lahat ng Pilipino.”
Nagkwento naman si Jopay Paguia-Zamora kung paano nakakatulong sa pamilya niya ang maasahang internet plan. “Sobrang laking tulong ng Surf2Sawa, kasi nakakampante ako na pwede ko i-check ’yong mga kids anytime lalo na pag nasa work ako tapos out-of-town. So important para sa akin na may maasahan akong connection.”
Ayon sa mga executive ng S2S, marami pang dapat abangan mula sa kampanya — kasama na ang pagbisita ng MAMAMO sa maraming barangay, mga dance challenge na pwede salihan ng lahat, at ang opisyal na music video kasama ang bagong girl group.
Para sa mas kompletong impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa surf2sawa.com o i-follow ang kanilang official FB page: facebook.com/Surf2Sawa
ederic.net
Formerly known as ederic@cyberspace, ederic.net is the blog of Filipino communications worker Ederic Eder. The blog features his writings, as well as contributed materials such as press releases and guest posts.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…


