Kanina, sumama ako sa Stand for Peace, isang prayer rally para sa kapayapaan sa Iraq at sa buong mundo na pinangunahan ni Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona, Jr. Natapos ang sama-samang pananalangin ng mga Pilipinong Kristyano, Muslim, at Lumad pagsapit ng dapit-hapon. Habang nag-aagaw ang dilim at liwanag, sinindihan ang mga sulo at kandila bilang simbolo ng liwanag sa gitna ng kadilimang dala ng nagbabadyang digmaan. Pinasalamatan ng mga kalahok ang pamumuno ni Guingona. Ayon sa nagpakilala sa kanya bago ang kanyang Panalangin para sa kapayapaan, ang Pangalawang Pangulo ay tila isang pinunong nakasakay sa puting kabayo–naalala ko nga si Gandalf ng Lord of the Rings. Subalit tama siya. Habang ang iba’y nagkukunwaring para sa kapayapaan, takot naman nilang salungatin ang puwersang mapanakop. Sa gitna ng kadiliman ng pagiging sunud-sunuran sa mapandigmang US ng karamihan sa ibang mga lider, si Guingona ay tila isang munting puting liwanag nagkakalat ng kapayapaan.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
February 12, 2024
Conquering enemy forts: strategies to destroy opponent’s turrets
Win by upgrading hero’s skills with an ML recharge.
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…


