“Hinihintay ko ang bawat laro ng koponan nating naghihingalo…”
Ganyan ang linya namin noong nasa kolehiyo pa lang kami. Paano kasi’y laging kawawa noon ang basketball team ng UP Naming Mahal.
Hah, hindi na ngayon! Mabalasik nang lumalaban ang UP Fighting Maroons ngayon.
Kahapon nga, sa office, sobrang na-excite kami sa laban ng Maroons at Blue Eagles. Nakakanerbyos! Pero sa bandang huli, nangibabaw tayong mga taga-Peyups.
Sabi nga lang ng Inquirer, “Unbelievable UP Maroons shock Eagles.” Noong 1986 pa pala tayo huling nanalo nang limang sunud-sunod na panalo. Nalagpasan ito kahapon dahil nakapagtala ng ikaanim na panalo ang UP Maroons. Nananalig tayong magtuluy-tuloy na ito.
Laban, UP Fighting Maroons!
Updated December 6, 2018 to correct formatting and typos, add working archived links, and add featured image. See original version of the post.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 10, 2025
MICHELIN Guide debuts in PH
MICHELIN Guide 2026 reveals 1 Two Stars, 8 One Star, and 25 Bib Gourmands.



hehe ok lang yan! Kahit nahuhuli ang mga players ng UP sa UAAP hamunin nyo na lang ang mga tiga La Salle ng QUIZ BEE Tama labanan na lang ng Quiz bee ang mga players ng UP at La SALLE… =)
U-nibersidad ng Pilipinas!
U-nibersidad ng Pilipinas!
Matatapang, matatalino
Walang takot
Kahit kanino
Hinding, hindi magpapaapi
Ganyang kaming mga taga-UP!
U-nibersidad ng Pilipinas!
🙂
Final four! Final four! 🙂
taga-peyups din ako at dahil sa bahay lang ako nanood nawindang mga kapitbahay namin sa kakasigaw ko nung 4th quarter. asteeg diba? 🙂