Impeach her!
Hindi si Gloria Macapagal-Arroyo. Kayo naman, excited masyado, hehehe. Ang tinutukoy ko’y si Commission on Elections commissioner Liuzviminda Tancangco. Habang sinusulat ito’y kasalukuyang nagbobotohan sa House of Representatives kung ipapatupad ba ng kapulungan ang desisyon ng House Committee on Justice na ibasura ang impeachment complaint laban sa kanya.
Iba’t ibang NGO ang nag-aakusa kay Tancangco ng “betrayal of the public trust,” “graft and corruption,” paglabag sa Saligang Batas dahil sa kaibiguang maipatupad ang automation ng May 14, 2001 elections na itinadhana ng RA 8346 o Election Automation Law of 1997. Ibinigay rin ni Tancangco ang kontrata sa paggawa ng voters ID sa kompanyang Photokina sa halagang P6.5 bilyon gayong ang budget lamang para rito ay P1.2 bilyon. Nagbigay rin umano siya ng cash advances na umabot sa halagang P199 milyon sa contractual employees at hindi naideklara kung saan ito ginastos.
Kailangan ng 73 sa 219 kinatawan upang mabaliktad ang rekomendasyon ng House Committee on Justice. Sana’y makaabot sa Senado ang kaso upang mabigyan ng pagkakataon ng sambayanan na usigin si Tancangco. Magsisilbi rin itong pagkakataon para sa akusado na linisin ang kanyang pangalan kung talagang wala siyang pagkakasala.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
February 12, 2024
Conquering enemy forts: strategies to destroy opponent’s turrets
Win by upgrading hero’s skills with an ML recharge.
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…



natalo ang impeachment complaint sa plenary. ang hinala, na-pressure daw ang mga kongresista.
sabagay, ano pa ba naman ang bago?
narinig ko rin ang isyung ito ngunit hindi ko na nagawang subaybayan ang nasabing isyu ukol sa impeachment kuno daw ng congresso.
nais ko lamang pong itanong, ano na ba ang nangyari sa kasong ito?
‘Yon na nga lang ang masakit. Actually, lumilitaw na teknik nila ang hindi pagkakaroon ng quorom (sa pamamagitan ng pag-a-absent ng karamihan) para huwag umusad ang mga kontrobersiyal na panukala. Mga gago!
pero dahil sa laging walang quorum sa kamara de representante, paano na uusad ang impeachment? tulad na lang ng nangyari kahapon. paano na yan? tama nga si rosseau, nasa state of nature pa rin tayo.
Sana’y umusad ang kaso laban sa kanya. Masyado nang maraming ginawang kabulastugan itong si Tancangco para manatili pa sa Comelec.