Noong panahon ng diktaduryang Marcos, binihag ng mapaniil na rehimen ang kalayaan sa pamamahayag. Ngunit may ilang matatapang na peryodistang nangahas at hinamon ang ganoong kalagayan.
Isa sa mga nanguna sa pagsalunga si Jose “Joe†Burgos, Jr. Sa kasagsagan ng Batas Militar, itinayo niya ang We Forum at Malaya at inilathala ang mga istoryang hindi pinapansin ng midyang kontrolado ng pamahalaan. Iwinagayway ni Burgos ang bandila ng alternative press. Inilabas niya ang mga kalabisan ng diktadurya, kaya inaresto at ikinulong siya upang patahimikin ang kanyang mga pahayagan. Sa kanyang paglabas, muli niyang binuhay ang Malaya at sinundan ang ang istorya ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino. Mahalaga ang naging papel ng kanyang pluma sa pagtapos sa kabuktutan ng rehimeng Marcos.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



Parang narinig ko nga yang balitang yan. Pero di pa ako sigurado.
naalala ko tuloy gagawan nga pala ni marilou diaz-abaya ng pelikula si ninoy… ang gaganap na ninoy si ceasar montano… tama ba?