Sa gitna ng kasalukuyang mundong nakikipaglaban sa COVID-19 na dala ng virus galing China, inilabas kamakailan ng Facebook ang “care” emoji reaction sa kanilang app.
Ang emoji reactions ay ‘yong mga icon gaya ng “like” sa ilalim ng mga post sa Facebook na magagamit ibang Facebook users para magpahayag ng reaksiyon nila.
Idinagdag ang bagong “care” reaction sa dati ay anim na emoji reactions sa Facebook: “like,” “love,” “haha,” “wow,” “sad,” at “angry.”
“We’ve added a new reaction so you can show extra support while many of us are apart. We hope this helps you, your family and your friends feel a bit more connected,” sabi ng Facebook sa pop-up message na lumalabas kapag unang beses na ginamit ang “care” emoji.

Gusto ko itong bagong “care” emoji reaction. Pinupunan nito ang kakulangan sa reaction button na nagpapahayag ng simpatiya o pagdamay.
May mga pangyayari sa buhay ng Facebook friends natin na hindi maganda. Kapag nagpost sila tungkol dito at nag-click ka ng “like,” parang nagustuhan mo ang nangyari. Ang “sad,” pagpapahayag lang ng pagkalungkot kaya kulang. Ang “love” o heart naman, usually ay pagpapahayag ng pagmamahal at pagkalinga sa taong nagpost. Itong huli, medyo awkward kung ‘di naman kayo super close in real life.
Parang pinagsasanib ng “care” emoji ang “sad” at “love” reactions. Pagpapahayag ito pakikiisa ng damdamin sa Facebook friend, pero ipinapakita rin nito ang concern o pagkabahala para sa kapakanan ng nagpost.
Sa kalagayan natin ngayon — magkakalayo ngunit nagsisikap makakonek sa isa’t isa — napapanahon ang “care” emoji reaction ng Facebook.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?


