Mula sa eboto.org:
Mabilis nang dumarating ang Pambansang Halalan sa Mayo 2004, at ang pinakamalaking hadlang para sa mambobotong Pilipino ay ang kakulangan ng impormasyon upang makapili ng tamang mga kandidato sa eleksyon. Habang maraming nailalathala sa mga pahayagan at naipalalabas sa telebisyon, ang mga ito ay karaniwang maikli at hindi sapat upang makilatis ng mga mamboboto ang isang kandidato.
Ang eBoto.org, isang proyekto para sa pagpapalawig ng impormasyon sa pamamagitan ng Internet, ay inilunsad upang tumulong lutasin ang isyung ito. Naglalayon ang eBoto.org na maging bukluran ng mga mambobotong Pilipino sa Internet, at maging daan na makilala ang mga kandidato sa mga isyu, plataporma, at prinsipyo, at hindi lamang personalidad at porma.
Nagsimula ang proyekto ng kampanya upang makapanghikayat ng 20,000 na botante na sumali sa “mailing list” ng eBoto.org bago dumating ang deadline ng pagsusumite ng pagkandidato para sa Pambansang Halalan sa ika-15 ng Disyembre, 2003.
Ang website ay magkakaroon ng sistema kung saan maaaring mag-sumite ang mga miyembro ng kanilang mga katanungan para sa mga kandidato. Magkakaroon din ng lugar sa website para sa talakayan tungkol sa mga isyu at sa mga kandidato, at ng balitang tungkol sa darating na halalan.
Para sumali sa eBoto.org, kailangan lamang magpadala ng email sa botolist-subscribe@yahoogroups.com, o kaya ay bumisita sa website sa http://www.eboto.org kung saan matatagpuan din ang pinakahuling balita tungkol sa proyekto.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



Kaya ka napan pala nawala eh. Mabilis lang ba babalik yung dating URL or should I edit my blogroll?
Kung di pa kita nakita sa referrers list, di ko pa malalaman.
have just visited the eboto.org, isa ka pala sa mga convenors. sipag mo talaga!