“CHISWISANG BAKLUSHâ€
(USAPANG BAKLA!)
I-Witness ni Sandra Aguinaldo
Ngayong Lunes: Ika-6 ng Agosto, 2007
Carmi Martin, Manilyn Reynes, Jolina Magdangal …
Mga sikat na artista? Hindi lang! Dahil si Carmi, Manilyn at Jolina, ay naging bahagi na ng usaping bakla!
Mapa-telebisyon o karaniwang usapan, tila patok na patok ngayon ang “swardspeak†o salitang bakla sa mga ordinaryong Pilipino.
Ngayong Lunes, “chochorvahin†(pakikinggan) ni Sandra Aguinaldo ang mga usapan ng mga bading para “learningin†(alamin) kung bakit lumalaki ang impluwensya ng mga salitang bakla sa ating wika.
Isang grupo ng mga parlorista sa Caloocan at mga stand-up comedians sa Quezon City ang pagsasamahin ng I-Witness para tignan kung paano binubuo ng mga bakla ang kanilang salita. Para sa kanila, ang “swardspeak†ay paraan ng mga bading upang maipahayag ang kanilang kalayaan mula sa diskriminasyon ng lipunan
Patunay raw sa pagiging “in†ng wikang bading ang pagkakapanalo ng Ikatlong Gantimpala ng mga salitang “chika†at “tsugi†bilang “Word of the Year†sa 2004 Sawikaan ng UP College of Arts and Letters.
At akalain niyo bang may mga salitang bading na isasali na sa ikalawang edisyon ng UP Dictionary?
“Learningin ang lenguang dingerszie†(Pag-aralan ang swardspeak) kasama si Sandra Aguinaldo sa nakaaaliw na dokumentaryong “Chiswisang Baklush (Usapang Bakala!)†sa I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
July 3, 2025
MAMAMO at Surf2Sawa
Celebrity moms na P-pop group ang unang endorsers ng S2S internet ng Converge
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.



Sa office, nagpapraktis kami ng Valerts Kubertz. Hehe.
Saw the docu last night. Its nice to know that the most misunderstood people of society is holding their own and fighting back.