Kadiri ang tingin ng karamihan sa mga bulate. Ang popular na paniniwala, sila’y mga peste na kailangang patayin. Ngayong Lunes sa I-Witness matutuklasan ni Howie Severino na ang mga bulateng inaapi, may natatangi palang silbi.
Makikilala ni Howie ang mga taong tila inalay na ang kanilang buhay sa mga bulate. Isa na rito si Tony de Castro na umuwi sa Pilipinas mula Amerika para maipalaganap ang mabuting balitang hatid ng mga bulate. Sa tulong ng milyong-milyong bulate, nabuhay muli ni Tony ang tuyong lupain sa Tanay, Rizal.
Matapos makatanggap ng isang kilong bulate mula kay Tony, si Howie ay dadayo ng Compostela Valley upang mas maunawaan ang silbi ng mga bago niyang alaga. Mula sa Mindanao, isasama si Howie ng isa pang maka-bulateng mama sa SONA ng Pangulo sa Kongreso. Makumbinsi kaya nila ang mga makapangyarihan na bigyang pansin ang mga bulate?
Panoorin sas ika-23 ng Hulyo, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi, ang isa na namang kakaibang dokumentaryo mula kay Howie Severino.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
July 3, 2025
MAMAMO at Surf2Sawa
Celebrity moms na P-pop group ang unang endorsers ng S2S internet ng Converge
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.



ay. no offense meant kay kuya howie. kase docu nya yun. nakatulog ako hindi dahil boring yung docu kundi dahil pagod talaga ako kahapon at antok na antok na… 🙂
pinanood ko ito. nakatulugan ko. hehe.. di naman kadiri ang mga bulate eh. grade three pa lang ako, ginagawa ko nang pain ito sa pangingisda ng tilapia. tapos, naging laruan ko ito. paano? kumuha ka ng rock salts (o kahit iodized siguro para mas healthy, hehe) tapos ibudbod mo sa katawan ng bulate. araaaaaykupooo…