
June 1 update: Nasa www.jlozada.com na ang blog ni Engr. Rodolfo Noel “Jun” Lozada. Ang una niyang post ay isang mensahe para sa kabataan.
Sana’y mapaunlakan ninyo ang paanyaya ng Bloggers’ Kapihan sa paglulunsad mamaya ng blog ni Jun Lozada — ang pangunahing saksi sa pagdinig ng Senado sa ZTE deal.
Gaganapin ito ala-una ng hapon mamaya sa Kape Tasyo sa 2nd Level Anonas Commercial Complex, Project 3, Quezon City.
Dadaluhan ang blog launch ng Bloggers’ Kapihan Crew at mga kaibigang bloggers. May libreng kape at wifi Internet connection sa Kape Tasyo, kaya’t makakapagsulat at makapag-post sa blog niya si Jun Lozada, at makakapag-live blog ang mga dadalo. Inaasahan din siyang magbigay ng talumpati.
Ang Bloggers’ Kapihan ay sinimulan ng ilan sa mga kabataang bloggers sa Pilipinas. Sa Bloggers’ Kapihan, maaaring pag-usapan ang iba’t ibang isyung kinakaharap di lamang ng Pinoy bloggers kundi pati ng lipunang Pilipino. Pagkakataon din ito upang magkita-kita at magkasama-sama ang mga blogger, na kadalasa’y sa Internet lamang nakakapagtalastasan.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?



http://www.noykix.blogspot.com
Dexter: Oo nga. Saka patok nga sa dami ng comments.
ulilang bayan: he already admitted it. Kinasuhan na rin siya, di ba?
if jun is sincere about him doing good for his love to our country i dare him admit his own guilt in his past corruptions go to jail and while in jail write a book baka kumita pa siya ng malinis. then star opening can of worms of all the politicians he associated with
Mahusay ang pagkakagawa ni Lozada na yan,, kesa umikot sya ng umikot sa Pinas
Dexters last blog post..Analyzing Your Blogs
jason: Kukulitin kita para sa susunod na launch. 🙂
Sayang ngayon lang ako nakabalik ng Maynila. Pero salamat pa rin sa imbitasyon. Regards sa event. 🙂
jasons last blog post..Sa kakaisip sayo?
Fjordz: Sorry medyo late kami nag-announce. Gaya ng sabi ni aajao, may blog launch ulit sa June 7, kay
Among Ed naman. Bibiyahe tayo papuntang pampanga. 🙂
aajao: Salamat sa tulong. Sana marami kang mahikayat. Hehe. 😉
meron pa po next week… kay Among Ed naman. mukhang exciting po yun at mukhang conversation-worthy. tara po sa lalawigan ng Pampanga.. June 7! 🙂
aajao’s last blog post..another week has gone
waaahhhh!!! huli na ang lahat!!! bakit ngayon ko lang ito nalaman??? badtrip!!! hindi ako nakapunta!!!! grrrr!!
http://hiraya.co.nr
fjordz’s last blog post..At Dahil Makasarili Ako…