Posted by mobile phone:
Nagulat, nalungkot at nabagabag ako noong isang gabi nang mabalitaan ko ang pagkamatay ng Pakistani opposition leader na si Benazir Bhutto, ang naging kauna-unahang babaeng prime minister sa Pakistan at sa alinmang bansang Muslim. Kilala si Bhutto sa pagsusulong ng demokrasya sa kanilang bansa. Sa kabila ng mga kaso ng katiwalian sa kanya–na di ko pa napag-aaralan ang istorya–nakakapanlumo ang pagkawala ng isang pinunong lumalaban sa mapanupil na liderato sa kanyang bansa.
Di ko maiwasang isiping kung titigil ang tayong mga Pilipino sa pagiging mapagmatyag, maaaring muli tayong umabot sa sitwasyong gaya ng sa Pakistan–may mapanupil na diktador at ang kultura ng karahasa’y nagpadali sa pagpaslang sa mga sumasalunga. Base sa kilalang katangian at naunang karanasan natin sa nakaupong puno ng bansa, di ba’t kung makakalingat tayo’y baka tayo magaya sa Pakistan?
Sa habag ni Bathala, huwag naman sana!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
February 12, 2024
Conquering enemy forts: strategies to destroy opponent’s turrets
Win by upgrading hero’s skills with an ML recharge.
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…



Bhutto herself was a scion of the Bhutto political dynasty. She just happens to package things better.