Natanggap ko mula kay Manolito Castillo Sulit, isang Pilipinong makata at community organizer, at at manunulat, direktor at prodyuser ng indie film na Barako:
Paanyaya
Sa Martes, Hulyo 24, ganap na 9:00 ng gabi, sa Tanghalang Manuel Conde ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, matutunghayan sa kauna-unahang pagkakataon ang pelikulang Barako, bahagi ng mga eksibisyon sa ginaganap na Cinemalaya Independent Film Festival.
Oppss! Paalala lang po—hindi ito gaya ng iniisip ninyo. Sa Batangas, madaling intindihin ang ibig sabihin ng “barako”. Ang “tapang” agad ang una naming naiisip, at hindi ang kung ano.
Sama-sama nating muling tuklasin ang tapang na sinasabi ko. Tumatalakay ang pelikula sa post-kolonyal nating realidad sandaang taon mula nang matalo tayo sa Digmaang Filipino-Amerikano.
Mala-epikong salaysay ito na aabutin ng tatlong oras, tungkol sa mga karanasan ng hindi iilang tauhan sa isang munting bayan sa Batangas.
Hindi na ako magkukuwento kung ano ngang mapapala natin sa pagtunghay sa kanilang mga buhay. Kung kami’y nagtagumpay sa bagay na ito, tiyak kong nabasag na nga ang katahimikan ng nakalipas na sandaang taon.
Gagampanan ang mga pangunahing papel nina Arnold Reyes, Carlon Matobato, Simplicio Bisa, Cecille San Gabriel, Angeli Bayani, Nestor Lucena, Nanding Josef, Paolo O’Hara, Bong Cabrera, Mike Coroza, Vim Nadera, Leo Fernando, Ramil Correa, Rodelio Roallos, Franz Marasigan, Ryden Callueng, Leo Martinez, Dennis Marasigan, Tots Aguila, Raul Funilas, Vic Tiro at Rey Comia.
May mahalagang papel din ang ating Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera, pati na ang batikang si Behn Cervantes at ang kilalang si Archie Adamos.
Kasama kong nagdirek ng pelikula si Emman Pascual (siya ring sinematografer) at si Sol Corong bilang katulong na direktor. Ang musika ay mula sa mga komposisyon ni Tonton Africa, samantalang ang editing ay ginampanan ni Ron Papag (naunang pinamahalaan ni Rodel Valiente).
Kasama kong nagprodyus ng pelikula ang kababayan kong si Warly Guerra na kasalukuyang nasa Amerika, bukod sa mahalagang ambag ng National Commission for Culture and the Arts, ilang kumpanya (gaya ng Smart Communications at Manila Plastic Products) mga kasamahan mula sa UST Center for Creative Writing & Studies at DLSU Departamento ng Filipino at ilang indibidwal dito at sa ibang bansa.
P100 ang tiket sa CCP Box Office, at P50 naman sa mga estudyante. Priyoridad po ang maagang makakarating (maliit lang ang sinehan).
Sana’y makadalo kayo. Baka sakali, may naiambag kaming bago at kahit kaunti sa kabuuang industriya at sining ng pelikulang Filipino.
Sumasainyo,
Manolito Castillo Sulit
Manunulat, direktor at prodyuser
“Barako”
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
July 3, 2025
MAMAMO at Surf2Sawa
Celebrity moms na P-pop group ang unang endorsers ng S2S internet ng Converge
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.



Meron po sa http://www.barakothemovie.com. 🙂
san kaya may trailer ng barako?