Ilang araw matapos si Bush ay bumisita
Gobyernong Pilipino ay lalong bumubukaka
Simula na nga ba ng panibagong panggagahasa?
Pero rape with Ina ng Bayan’s consent yata ito.
Tsk tsk tsk. Oily conspiracy, ika nga nina Jeusa at Sir Danny.
Nang mabasa ko ang press release na ito nang mag-one-day special duty ako sa dati kong office, putek, na-high blood na naman ako:
The Macapagal-Arroyo government welcomes as beneficial to the Philippines US President George W. Bush’s plan to send his energy chief to look into the possibility of joint ventures to explore for oil and natural gas in the country, Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo said today.
“Gusto nilang makasiguro na tayo rin, bilang isang kaalyado nila, ay hindi labis na umaasa sa langis na galing sa ibang bansa (They want to ensure that the Philippines, being an important ally of the United States, will not rely heavily on other countries for its petroleum requirements),” he said. More
Owws, bola! Kung gusto nating i-explore ang ating sarili, bakit kailangang makisawsaw ang US na alam naman nating may history ng pagiging maniac sa yaman ng Pinas?
Pokpok ba talaga tayo?
Ngayon, masisisi ba natin ang mga makabayang tulad nina Vice-President Guingona, Senator Tañada, at ang mga taga-Bayan Muna kung halos magsilakihan ang kanilang mga mata at magkapatid ang ugat sa leeg sa pagtutol sa Cha-cha ng mga alipores ni Gloria?
Knowing ang pagiging tuso ng administrasyong Arroyo, hindi paranoia lamang pangamba ng mga makabayan na kasama sa tatanggalin sa Saligang Batas ang mga probisyong nangangalaga sa pambansang patrimonya at pumipigil sa walang habas na panggagahasa ng mga kapitalistang dayuhan sa ating likas na kayamanan.
Aba, hindi na ata puwedeng uupu-upo na lang tayo at aayon na lang nang aayon sa mga ginagawa ng puppet na spokesperson ni Bush sa Palasyo at ng mga kampon niya.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



Ederic @ Cyberspace
Ederic@Cyberspace is one of the few Filipino blogs around. And it’s been online since November 2001. The blog in English became a blog in Filipino in April 2002. A real and online journalist from the University of the Philippines, he is currently a res…
Sana naman hindi pabayaan na basta ganyan na lang ang mangyari. Dapat may natutunan na tayo sa history natin. Hay Diyos ko, kaawaan Nyo po ang Pilipinas.