Kasalukuyang pinag-uusapan ngayon ng House Committee on Justice kung sufficient in form and substance ba ang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo. Siyempre, gusto nating umabot sa Senado ang impeachment, para sa–sabi nga last year ng congressman namin sa Marinduque na si Edmund Reyes–katotohanan.
Kaya lang mukhang mas maraming sa mga kasapi ng nasabing committee ang alipores ni Gloria. Naisip ko, kung ipagdarasal natin na maisulong ang impeachment, mangyari kaya? Di ba’t nasa Diyos ang awa, nasa tao ang ngawa–err, gawa?
So kung naisin man ng Panginoon na maipasa ang impeachment, kung ayaw naman ng mga congressmen–na biniyayaan ng Diyos ng freewill, pero maaaring biniyayaan na rin ng Palasyo ng padulas–may mangyayari pa rin ba?
O sadyang magiging mas malakas ang panalangin ng mga obispong ayaw sa impeachment, kaysa sa mga pamilya ng mga magsasakang naisahan sa fertizer scam, sa mga botanteng na-hello ni Garci, at mga mahal sa buhay ng mga aktibistang minalas na mapalparan?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
February 12, 2024
Conquering enemy forts: strategies to destroy opponent’s turrets
Win by upgrading hero’s skills with an ML recharge.
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…



Sabi nga ni Ate Guy: walang himala! Wala nga. Hehe. :p
Sa tingin ko pareho pa rin ang istorya…parang isang librong nabasa na natin. padamihan pa rin ng boto dyan…O baka magkakahimala ngayong taon.
Siguro dapat ipakita nating ipinagdadasal natin na matuloy ang impeachment. Doon tayo sa batasan magdasal ng magdasal. Sa tingin ko ay kapag dumami ng dumami ang mga taong nagdadasal sa Batasan, mahihiya ang mga kotongressman at ipapalusot ang impeachment. Dasal lang, bawal ang may pulilitkong magsasalita sa unahan.