Kasalukuyang pinag-uusapan pa rin sa Alibata e-group kung paano isasalin ang “save”–as in pagse-save ng file sa computer–sa Tagalog o Filipino.

Eto ang kontribusyon ko:

Kung hindi ako nagkakamali, sa larong sungka, ang tawag sa paglalagay ng bato, buto, o shells sa malaking butas (bahay) ay “subi” o pagsusubi. Ang manlalarong nagsusubi ay nag-iipon ng “bato” para manalo.

Kung talagang ayaw natin ang i-save, bakit hindi gamitin ang isubi? Medyo katunog at ganoon din ang diwa ng pagse-save.

Di ba’t ang isang file ay gawa mula sa maraming fragments/bytes? Parang pagsusubi, di ba?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center