Kahit hindi na active ang AlDub — o ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. YayaDub — nagpost pa rin ang dalawa sa Twitter kahapon ng kani-kaniyang mensahe para sa AlDub Nation.
Kinilala nina Alden at Maine ang pagmamahal at suporta ng kanilang mga tagahanga mula nang mabuo ang AlDub noong Hulyo 16, 2015 sa “Juan for All, All for Juan” segment ng “Eat Bulaga.”
Si Maine, nagpasalamat sa mga naging bahagi ng AlDub Nation sa nakalipas na apat na taon.
Happy 4th anniversary, AlDub! Maraming salamat sa lahat ng tunay na nagmamahal at sumusuporta hanggang ngayon! Salamat sa lahat ng naging parte ng AlDub Nation sa loob ng apat na taon. 💚
— Maine Mendoza (@mainedcm) July 16, 2019
Si Alden naman, tila may pag-asa na marami pang anibersaryo ang ipagdiriwang ng AlDub kasama ang AlDub Nation.
To all solid ALDUBnation’s out there, maraming salamat sa 4 na solid na taon ng suporta at pagmamahal sa amin. More anniversaries pa ang pagdadaanan nating lahat. Maraming salamat sa INYO. 🙏🏻 #ALDUB4YearsUnrivaled
— Alden Richards (@aldenrichards02) July 16, 2019
Thankful si Maine sa lahat ng “tunay na nagmamahal at sumusuporta hanggang ngayon.” Si Alden naman, ginamit ang anniversary hashtag ng AlDub Nation at may riin ang banggit sa “INYO,” na tumutukoy sa kanilang mga tagahanga.
Ipalalabas na sa Hulyo 31 ang “Hello, Love, Goodbye,” kung saan katambal ni Alden si Kathryn Bernardo.
Inianunsiyo na rin ang “Isa Pa With Feelings” nina Maine at Carlo Aquino.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 12, 2025
‘The Alibi’ debuts as no. 1 show on Prime Video PH
ABS-CBN’s newest mystery-romance stars Kim Chiu and Paulo Avelino.
July 3, 2025
MAMAMO at Surf2Sawa
Celebrity moms na P-pop group ang unang endorsers ng S2S internet ng Converge
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.


