Sa amin sa Marinduque, naririnig ko ang mga salitang “talanding panahon”. Ang “talandi” ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong–kadalasa’y babae– maharot. Kung sa Tagalog dito sa lungsod, ang kasingkahulugan nito ay malandi.
Kaya ang “Yano ka, ee. Napakatalandi mo baya!” sa amin ay maisasalin bilang “Grabe ka! Ang landi-landi mo talaga!”
Ang nakakaaliw, ang salitang talandi ay maaari ring ikabit sa panahon. Ang pabagu-bagong panahon–gaya ng bigla at magkasunod na pag-araw at pag-ulan ay “talanding panahon.”
Ngayong nasa Kamaynilaan na ako, naaalala ko ang “talanding panahon.” Tuwing gabi at umaga kasi, napapansin ko ito. Dapat ay malapit na ang tag-init, ngunit ang gumigising sa akin ay ang malamig na simoy na di ko masyadong naramdaman noong Disyembre.
Pero ‘di ako nagrereklamo, ha? Para sa tulad kong lumakad lang ng ilang hakbang ay pinagpapawisan na, ayos lang sa akin ang ganitong paglalandi ng panahon.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
September 19, 2025
100 baka para kay Sara?
Pinalagan ng PETA ang balak ng mga taga-Davao na magkatay ng 100 baka.
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.



tulong pwde poh bang gawan nyo aku ng talumpati??
“wika mo wika ntin mahalaga”
mga 3min lng poh ukie na!!
salamat
hi! tulungan mo namn po ako. hindi talga ako marunong gumawa ng talumpati 2ngkol sa “matatag na bansa sa gitna ng maraming wika… mga 2 mins lng po ok na yun.. salamat. hh
2lungan n’yo rin aq guyz plz.. nd aq marunong gumawa ng talumpati, i2 ang tema ”matatag na bansa sa gitna ng maraming wika” ahak woi… help me plz..
hey!! tulungan nyo naman ako.., may project ako about sa pagtatalumpati.., ang tema ay ” Matatag na Bansa sa giTna na Maraming wika”. tulungan nyo naman ako, d ako marunong gumawa nang talumpati… salamat
Hindi ito talumpati. Blog entry ito.
magtatanong lang ako……..
talumpati ba talaga ito???………